Caloocan LGU, nagkaloob ng walong mobile patrol cars sa Caloocan Police

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walong bagong mobile patrol cars ang ipinagkaloob ng Caloocan City Government sa Caloocan City Police.

Mismong si City Mayor Dale Gonzalo Malapitan ang personal na nag turnover ng 8 modernong patrol vehicles kay Caloocan City Police Chief PCol. Ruben Lacuesta.

Dahil dito, asahan nang mapapalakas pa ang mga kakayahan ng city police sa public safety at anti-crime projects.

Sa panig ng Caloocan police,nagpasalamat si PCol. Lacuesta sa alkalde sa patuloy na suporta sa pulisya.

Ipinangako ng opisyal ang aktibong pagpapatupad ng mga programa nito para sa mamamayan.

Pinuri pa ng alkalde ang city police sa lahat ng pagkilala na kanilang natanggap nitong nakaraang taon.

Sinabi pa niya na hindi siya magdadalawang-isip na
magbigay ng tulong sa anumang paraan sa pulisya dahil sa kanilang mahusay na pagganap.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us