Pinasigla na ng Bureau of Fire Protection ang kanilang kampanya na “Oplan Paalala, Iwas Paputok” ngayong bisperas ng bagong taon.
Humigit-kumulang 30 fire trucks mula sa BFP at Fire Volunteer Brigade ang nagsagawa ng caravan na iikot sa ilang lugar sa Metro Manila.
Kamakailan, inilunsad ng BFP ang kampanya upang itaas ang kamalayan ng publiko upang maiwasan ang firecracker-related incidents sa pagsabong sa bagong taon.
Pinaalalahanan ang publiko sa pag iwas sa sunog at paggamit ng mga paputok sa halip maghanap ng alternatibong paraan na makakalikha ng ingay.
Umiiral ngayon ang full alert status sa BFP bilang bahagi ng paghahanda sa pagsalubong sa bagong taon. | ulat ni Rey Ferrer