Iminungkahi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hingin na ang tulong ng Amerika upang hindi na maulit ang ginagawang pag-atake ng China sa mga naglalayag na barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng pahayag ng presidente na nananawagan para sa paradigm shift sa pagtugon sa Chinese aggression sa WPS.
Punto pa ni Rodriguez, mahaba ang pasensya ng mga Pilipino ngunit may hangganan din ito,
“I support the President’s call. We should be done protesting Beijing’s continued harassment and bullying of our Coast Guard and Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) personnel, our fishermen, our small contingent of soldiers in Ayungin Shoal, and our civilian boat crew involved in resupply missions. Our numerous and repeated protestations have fallen on deaf ears,” sabi ni Rodriguez.
Ayon sa mambabatas maaaring i-invoke ng Pangulo ang 1951 Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at US partikular ang Article 3 at 5 na tumutukoy sa banta sa territorial integrity, political independence o seguridad ng dalawang partido mula sa external armed attack sa Pasipiko.
Aniya, bagamat wala pang ‘armed attack’ tulad ng tinutukoy sa treaty ay mayroon pa ring banta sa ating mga tauhan, mangingisda at ating territorial integrity.
Muli ring nanawagan si Rodriguez sa Department of National Defense na huwag nang gumamit ng sibilyang barko sa resupply mission sa Ayungin shoal.
“These are military missions that should be undertaken by military personnel. Let us stop exposing civilians to danger. Let us not try to avoid an ‘armed attack on a public vessel or aircraft’ by using civilians.” punto ni Rodriguez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes