Cesar Chavez, itinalaga ni Pres. Marcos Jr., bilang Presidential Assistant for Strategic Communications

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Transportation Undersecretary Cesar Chavez bilang Presidential Assistant for Strategic Communications.

Base sa appointment paper ni Chavez, ang bagong papel nito sa ilalim ng Office of the President ay mayroong ranggo na undersecretary.

Kung matatandaan si Chavez ay una nang naitalaga bilang Undersecretary for Railways sa ilalim ng Department of Transportation.

Pirmado ni Pangulong Marcos ang appointment paper ni Chavez, ika-5 ng Disyembre, 2023.

Bukod kay Chavez, itinalaga rin sina Mary Jean Pacheco bilang undersecretary ng Department of Trade and Industry (DTI), at Michel Ablan, bilang Assistant Secretary ng DTI.

Undersecretary naman ng Department of Transportation (DOTr) si Jeremy Regino. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us