Dapat nang sampahan ng patong-patong na mga kaso at papanagutin ang China partikular ang mga barko na sangkot sa pambu-bully sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, dapat na itong isulong ng gobyerno dahil sa patuloy na panggigipit ng China sa teritoryo ng ng Pilipinas.
Aniya, sa dami ng diplomatic protest na inihain ng Pilipinas sa China, hindi naman ito pinapansin at ipinagwawalang bahala lamang.
Diin ng mambabatas, panahon na’ng sampahan ng kasong criminal at sibil sa korte ng Pilipinas o sa international court ang mga may-ari ng Chinese cargo vessels at militia vessels na responsible sa pangha-harass sa WPS.
Habang maari rin aniyang magsampa ng Writ of Kalikasan sa Korte Suprema para naman sa pagkakasira ng coral reef at iba pang yamang-dagat.
Maalalang nito lamang weekend, muli na namang binomba ng water cannons ang supply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.| ulat ni Melany V. Reyes