CIBAC Rep. Bro. Eddie Villanueva, ikinatuwa ang pagbabawal ng gambling sa inaprubahang Bulacan Airport Ecozone Bill ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinatuwa ni CIBAC Party-List Representative Bro. Eddie Villanueva ang pag-apruba ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ng House Bill 8841, na nagtatatag sa Bulacan airport economic zone ngunit tumututol sa pagtatayo ng anumang gambling o gaming-related business.

Inaprubahan ng Kongreso ang amendment na inihain ni CIBAC Rep. Bro. Eddie, na nagbabawal sa Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Authority (BACSEZFA) – ang ahensya na mamamahala sa economic zone ng pinakamalaking airport sa bansa, na aprubahan at irehistro ang anumang gambling o gaming business sa loob ng economic zone kahit na ito ay may lisensya mula sa pamahalaan.

Ipinunto pa ng mambabatas, na ang pagsusugal ay may nakapipinsalang epekto gaya ng pagkakautang, money laundering, prostitusyon, paglaganap ng droga at krimen, pagbawas sa katatagan ng pamilya, paghiwalay ng mag-asawa.

Dagdag pa nito ang pag-apruba sa binagong panukalang batas ay isang positibong hakbang sa pagtataguyod ng holistic, at tunay na pag-unlad na siyang maaaring ipamalas sa mundo.

Nagpasalamat din ang party-list solon sa kanyang mga kapwa mambabatas sa pag apruba ng proposed amendments. | ulat ni Melany Valoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us