Ipagbabawal rin ang paggamit ng paputok sa lungsod ng Malabon sa pagsalubong ng Bagong Taon maliban na lamang sa mga itinalagang Common Fire Cracker Area.
Ayon sa Malabon Public Information Office, ito ay alinsunod sa MMDA Resolution No. 22-22, Series 2022 at City Resolution No. 187-2017.
Kabilang dito ang Plaza Diwa, Brgy. Tugatog at Malabon People’s Park, Brgy. Catmon.
Ito ay upang mapanatiling ligtas at malayo sa banta ng sunog ngayong Bagong Taon.
Kaugnay nito, hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang lahat na imbes na magpaputok ay magpatugtog at gumamit na lang ng ibang alternatibong pampaingay para sa ligtas na pagpasok ng 2024 sa mga tahanan. | ulat ni Merry Ann Bastasa