Mula Setyembre 3 hanggang Disyembre 3, 2023, bumaba ng 43 incidents o 65.15% ang crime rate sa lungsod Quezon.
Ayon kay Quezon City Police District Director Police Brigadier General Redrico Maranan, ang mga tagumpay na operasyon ng pulisya ang malaking naiambag sa pagbaba ng bilang ng krimen sa loob ng Quezon City.
Dahil sa pinatinding pagsisikap ng QCPD police force, naibaba ang walong focus crime sa 23 incidents mula sa 66 incidents sa nasabing panahon.
Binigyang diin ni General Maranan ang operasyon ng ng pulisya noong Disyembre 2 na nagresulta sa pagkaaresto sa apat na suspect at pagkarekober ng sasakyan sa isang carnapping incident sa Quezon City.
Naging matagumpay din ang operasyon ng QCPD at napatay ang lider ng Bayawak Group sa Bacoor City, Cavite na sangkot sa serye ng robbery hold-ups sa National Capital Region at Region 4A.| ulat ni Rey Ferrer