Lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Agriculture – Region 10 (DA-10) at apat na local government units ng ₱18 million agricultural marketing projects sa Northern Mindanao.
Ito ay sa ilalim ng Kadiwa Financial Grant Assistance (KFGA) kung saan nakatanggap ng ₱4 million ang lungsod ng Gingoog, Iligan, at ang lalawigan ng Lanao del Norte para sa agricultural hauling truck.
Samantala, ₱5 million naman ang natanggap ng bayan ng Opol, Misamis Oriental para sa pagtatayo ng trading post.
Ayon kay DA-10 Regional Executive Director Carlene C. Collado, bahagi ito ng kanilang mithiin na tulungan ang stakeholders upang magtatag ng sustainable food supply chain para matiyak ang pagkakaroon ng basic food needs sa lahat ng oras.
Ang naturang grant ay isang mekanismong pagbibigay-daan sa mga LGU upang lumikha ng matatag na food supply, at maibsan ang pagkagambala sa basic food commodities sa kani-kanilang mga lokalidad. | ulat ni Sharif Timhar | RP Iligan
📸: Department of Agriculture RFO X