DA at EL Niño Task Force, puspusan na ang paghahanda laban sa epekto ng El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan na sa paghahanda ang Department of Agriculture (DA) at Inter Agency Task Force on El Niño  upang mapagaan ang epekto ng dry spell sa produksyon ng pagkain maging sa mga magsasaka at mangingisda.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr. ang ginagawang intervention ay isinasagawa ng mga ahensya sa ilalim ng DA.

Kabilang na dito ang pagsasaayos at rehabilitasyon sa mga irigasyon, cloud seeding, pagbibigay ng mga alagang hayop, at alternatibong pangkabuhayan sa mga magsasaka at mangingisda, at ang modernong  paraan sa pagtatanim ng palay.

Nabatid na aabot sa 843 kilometers ang target ng DA sa irigasyon kung saan 740 kilometers dito ang naisaayos na.

Sa kasalukuyan, nasa 56,169 na alagang hayop ang naipamahagi na sa grupo ng mga magsasaka. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us