Hinikayat ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga kawani ng ahensya na tutukan ang food security sa susunod na taon sa gitna ng hamon ng El Niño sa bansa.
Tiwala ang kalihim na may pagkakaisa at determinasyon ang DA na makapagpapaunlad ng mas malaking produksyon ng pagkain sa kabila ng mga hadlang at limitasyon.
Hiningi ng kalihim ang kooperasyon ng lahat at binigyang-diin ang hamon sa pagtupad sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pataasin ang produksyon.
Kampante itong matiyak ang food security at mapatatag ang presyo para sa kapakinabangan ng mga magsasaka at mangingisda pati na rin sa mga mamimili.
Batay sa ulat, posibleng maramdaman ang tindi ng El Niño sa buwan ng Mayo na makakaapekto sa 65 mula sa kabuuang 81 lalawigan.
Ang matagal na dry spell ay makakaapekto sa produksyon ng pagkain, lalo na ng water-dependent rice, ang pangunahing pagkain ng bansa. | ulat ni Rey Ferrer