DA, sinimulan na ang pag-inspeksyon sa presyo at suplay ng farm goods sa mga pamilihan bago ang Kapaskuhan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa na ng inspeksyon sa mga pamilihan sa Metro Manila ang Department of Agriculture (DA) upang tiyaking sapat ang presyo at suplay ng agricultural products ngayong Christmas season.

Kabilang sa mga pinuntahang palengke ang Mega Q-Mart at Kamuning Public Market sa Quezon City.

Tiniyak ni DA Undersecretary for Operations Roger Navarro na may sapat na suplay ng karne ng baboy, manok, gulay at isda ang dalawang public markets.

Bukod sa mga pagbisita sa merkado, makikipagpulong pa ang DA sa iba pang ahensya na binubuo ng National Price Coordinating Council.

Tatalakayin ng mga ito ang mga interventions na maaaring gawin upang matiyak na mananatiling stable ang mga presyo at hindi babaha sa merkado ang mga imported na bilihin na makakaapekto sa local producers. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us