Iniulat ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa na may paghahanda na ang ahensya sa posibleng epekto ng El Niño sa bansa.
Sa media forum, sinabi ni De Mesa na kabilang sa tututukan ng DA ang water management intervention, pangalawa ang mga lugar na mahihirapan sa pagtatanim at ang mga alternatibong pananim na kayang itanim sa panahon ng tagtuyot.
Dagdag pa ni De Mesa na may nakalaan nang pondo ang DA para sa cloud seeding operation.
Batay sa El Niño advisory ng PAGASA, asahan ang peak ng El Niño sa darating na mga buwan na posibleng tumagal hanggang sa second quarter ng 2024.
Sa panahon ng El Niño, makakaranas ang bansa ng below-normal rainfall condition kung saan nasa 20% hanggang 60% na mas mababa sa normal ang pag-ulan. | ulat ni Rey Ferrer