Hindi isinasara ni House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co ang pintuan sa posibilidad na madagdagan ang pondo ng PUV Modernization Program subsidy para sa susunod na taon.
Sa pagsalang ng panukalang 2024 national budget sa Bicameral Conference Committee, natanong si Co kung bukas sila na dagdagan ang subsidiya sa PUV Modernization na hirit ng kasamahang mambabatas na si Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas.
Ang mungkahi ng solon ay paglaanan ng ₱30-billion pesos ang subsidiya.
Ayon naman kay Co, noong talakayin nila ang 2023 budget ay naisama ang dagdag pondo para sa PUV Modernization kaya’t hindi aniya imposible na mangyari rin ito sa 2024 Budget.
Ngunit ang halaga ng dagdag subsidiya ang kailangan pa nilang aralin.
Target ng Kongreso na matapos ang Bicam sa susunod na linggo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes