Isinusulong ni Senador Christopher “Bong” Go na mataasan ang sahod ng mga civilian employees ng pamahalaan upang matapatan ang kasalukuyang economic conditions ng bansa.
Inihain ni Go ang Senate Bill 2504 o Salary Standardization Law 6 (SSL6).
Binibigyang diin sa panukala ang pangangailangan na i-review at dagdagan ang sweldo ng mga kawani ng gobyerno sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng “cost of living” at maging inflation rate.
Layon ng panukala na baguhin ang salary schedule ng mga civilian personnel at gagawin ang pagtataas sa apat na tranches.
Sakaling maisabatas ang panukala, sakop ng dagdag na sahod ang lahat ng civilian government personnel mula sa Executive, Legislative, at Judicial Branches, Constitutional Commissions, government-owned or -controlled corporations (GOCCs) na hindi saklaw ng RA 10149 at mga local government units.
Naniniwala si Go na ang pagtataas sa sahod ng mga government employees ay makakahikayat sa mga tao na piliing magtrabaho sa gobyerno at paraan din ito para maiiwas ang mga empleyado sa paggawa ng katiwalian dahil mayroon silang matatag na source of income. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion