Inaasahang papalo sa 40,000 ang bilang ng mga daily departure sa bansa kada araw pagkatapos ng bagong taon ayon sa pahayag na inilabas ng Bureau of Immigration.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco dahil ito sa inaasahang pagbalik sa trabaho ng mga OFW at ng mga residente abroad matapos ipagdiwang sa bansa ang Pasko at New Year.
Dagdag pa ni Tansingco, nananatiling mataas ang bilang ng mga arrivals sa bansa matapos ang Pasko kung saan umabot sa 57,000 ang kanilang naitala sa loob lamang ng isang araw.
Sa kabuuan, may 1.48 million arrivals na ang naipoproseso ng BI para sa buong buwan ng Disyembre habang nasa 750,000 naman para sa departure.
Bagamat nasa peak season, iniulat rin ng Commissioner na nananatiling maayos ang kanilang operasyon at wala pang malalang pangyayaring naitatala.
Umaasa rin BI na magpapatuloy ang maayos na operasyon hanggang sa bagong taon kapag bumalik na sa kanilang mga trabaho at tahanan ang karamihan ng mga nagdiwang ng Pasko dito sa bansa. | ulat ni EJ Lazaro