Data-driven na pagtugon sa mga hamon sa sektor ng agrikultura, tiniyak ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinangako ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ibabalik niya sa ahensya ang pagkuha ng tamang datos at statistics.

Sa naging pagdinig ng Commission on Appointments (CA), sinabi ni Laurel na bubuo sila ng isang climate timely government assistance para sa mga magsasaka at mga mangingisda sa bansa.

Titiyakin rin aniya ng kalihim, na hihingi sila ng tulong mula sa biologists, data scientists at academics sa pagharap sa mga hamon sa sektor ng agrikultura gaya ng avian flu, African swine fever, red-tide poisoning, gayundin sa pagkakaroon ng disease-resistant varieties, El Niño-adaptable seeds, at organic fertilizer.

Idinagdag rin ni Laurel, na hihingi sila ng tulong sa national at international law enforcers para mapigilan ang mga food hoarder, price manipulator at mga smuggler.

Kabilang aniya ito sa mga mahigpit na bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na habulin ang mga smuggler at taasan ang food production sa Pilipinas.

Sa ngayon ay aprubado na ng CA ang pagkakatalaga sa pwesto ni Laurel bilang kalihim ng DA. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us