Hindi sumipot si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte sa Quezon City Prosecutor’s Office sa unang preliminary investigation, sa kasong isinampa laban sa kanya ng Makabayan Bloc solon.
Sa halip, nagpadala lang ng dalawang abogado ang dating Pangulo upang humarap para sa kanya.
Humingi pa ng palugit na 10 araw ang mga abogado para makapagsumite ng counter affidavit ng Pangulo.
Katwiran nila, na hindi pa nila natanggap ang subpoena ng QC Prosecutor’s Office at ang complaint sheet.
Una nang naghain ng kasong grave threat si ACT Party-list Representative France Castro, dahil sa umano’y pagbabanta sa kanyang buhay ng dating Pangulo.
Habang ginaganap ang preliminary investigation, kanya-kanya namang nagpakita ng suporta ang supporters ng dating Pangulo at ng mambabatas sa labas ng korte.
Muling itinakda ang preliminary investigation ng kaso sa Disyembre 15 ngayong taon. | ulat ni Rey Ferrer