Muling nagpaalala ang Davao City Police Office (DCPO) sa mga Dabawenyo ukol sa Davao Fircracker Ban Ordinance kung saan ipinagbabawal ang pagpapaputok sa lahat ng klase ng firecrackers at paggamit ng pyrotechniques.
Alinsunod sa Davao Firecracker Ban Ordinance
City Ordinance 060-02, maaring patawan ng multa ang first offender ng P1,000 o pagkakulong ng dalawampu hanggang tatlumpung araw.
Ang Second-time offenders naman ang magkakamulta ng P3,000 o isang buwan hanggang tatlongbuwang imprisonment at multang P5,000 o kaya pagkakabilanggo ng tatlo hanggang anim na buwan sa third time offenders.
Kaugnay nito, hinimok ng kapulisan ang mga Dabawenyo na suportahan ang dalawampung taong fire cracker ban sa lungsod para maiwasan ang anumang disgrasya at salubungin ang Bagong Taon na mapayapa at ligtas.| ulat ni Macel Mamon Dasalla| RP1 Davao