Hindi na palalawigin pa ng pamahalaan ang itinakdang deadline para sa franchise consolidation application ng PUV operators para sa PUV modernization program ng pamahalaan.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng itinakdang deadline sa December 31, 2023.
Kasunod na rin ito ng pulong ng Pangulo kasama ang transport officials, ngayong araw (December 12).
“Today, we held a meeting with transport officials, and it was decided that the deadline for the consolidation of public utility vehicles (PUV) operators will not be extended.” — Pangulong Marcos.
Sa inilabas na pahayag ng Pangulo, sinabi nito na nasa 70% na ng mga operator sa bansa ang nakapag-consolidate na o nagbigay na ng commitment, na mag-consolidate sa ilalim ng programa.
Hindi aniya hahayaan ng pamahalaan na maantala pa ang programang ito, dahil lamang sa iilan na hindi makakatalima sa programa.
“Currently, 70% of all operators have already committed to and consolidated under the Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). We cannot let the minority cause further delays, affecting majority of our operators, banks, financial institutions, and the public at large.” — Pangulong Marcos Jr.
Sabi ni Pangulong Marcos Jr., sa pagsunod sa timeline, masisiguro aniya na makukuha ang lahat ng benepisyo sa oras na maging ganap na rin ang pagsasa-moderno ng public transport sysrtem ng bansa.
“Adhering to the current timeline ensures that everyone can reap the benefits of the full operationalization of our modernized public transport system. Hence, the scheduled timeline will not be moved.” — Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan