Naka-monitor ang Department of Education (DepEd) sa pamamahagi ng P18,000 na Service Recognition Incentive (SRI) para sa mga guro sa iba’t ibang regional office ng ahensya.
Ayon kay DepEd Spokesperson at Undersecretary Michael Poa, pinaalalahan ng ahensya ang mga regional office nito na gawing “orderly” ang pamamahagi ng naturang insentibo dahil cash itong ibibigay at para hindi rin mahirapan ang mga guro.
Ani Poa, noong nakaraang taon kasi ay nahirapang ipamahagi ang SRI sa mga guro na nasa malalayong lugar.
Ngunit pagtitiyak naman ng opisyal, na hangga’t may written request mula sa guro ay papayagan ito ng DepEd na ipasok na lang ang insentibo sa kanilang ATM o payroll account.
Matatandaang nagsimula na nitong Martes ang pamamahagi ng SRI para sa mga guro sa pitong rehiyon. | ulat ni Diane Lear