Patuloy ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan para sa imbestigasyon ng mga foreign national na diumano ay ilegal nakakuha ng mga Philippine Passport.
Ito ang naging sentro ng naganap na meeting ng Inter-Agency Committee Passport Irregularities (ICPI) upang sugpuin ang mga iregularid sa pasaporte.
Dito binigyang-diin ni DFA Usec. Jesus Domingo ang pangangailangan para sa mas pinabuti pang koordinasyon ng mga member agencues at pagmumungkahi ng mekanismo para sa agarang pag-verify at crossmatching ng mga impormasyon sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement kasama ang mga ID agencies.
Muling iginiit naman ng DFA ang kanilang pangako na ang pasaporte ng Pilipinas ay not for sale sa mga foreign nationals at ipinapatupad nito ang Zero Tolerance Policy para sa mga dokumentong nakuha sa ilegal na paraan. | ulat ni EJ Lazaro