Nagpasalamat at kinilala ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Rizalino Acuzar ang papel ng media sa mga proyektong inilulunsad ng ahensya.
Partikular na tinukoy ng kalihim ang suporta ng media sa flagship Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinabi ni Secretary Acuzar, malaking bagay ang ginagampanan ng mga mamamahayag sa pagpapalaganap ng tama at mahahalagang impormasyon tungkol sa ginagawa ng PBBM administration sa housing sector para ibangon ang mga poorest of the poor na mamamayan.
Aniya, naging instrumento sila para mailapit ang human settlements at urban developments sector sa publiko.
Ang pahayag ay ginawa ng kalihim matapos parangalan ang media partners mula sa online, broadcast at print industry sa kauna-
unahang DHSUD Annual Media Forum nitong gabi ng Lunes.
Ang event ay pinangunahan ng DHSUD Strategic Communications and Public Affairs Service kasama ang mga pangunahing executive ng DHSUD.| ulat ni Rey Ferrer