Bibigyan ng parangal ng Department of the Interior and Local Government ang mga natatanging lupong tagapamayapa sa buong bansa sa gaganaping Lupong Tagapamayapa Incentive Awards 2023 (LTIA) sa Disyembre 11 sa Manila Hotel.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, pagkakalooban sila ng parangal dahil sa kanilang makabuluhang pagganap sa kanilang tungkulin.
Ang Lupon ay binubuo ng Punong Barangay bilang chairperson at 10 at 20 community members na nagsasagawa ng mediation, conciliation, o arbitration ng local disputes.
Ang mga magwawagi ay makakatanggap ng mga tropeo at cash prize na P300,000 para sa unang pwesto, Php250,000 para sa ikalawang pwesto, at P200,000 para sa ikatlong pwesto.
Samantala, makakatanggap naman ng tig-P300,000 at tropeo ang Hall of Fame awardees. | ulat ni Rey Ferrer