Inilahad ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang kahandaan ng kanilang hanay ngayong holiday season para sa mas mapayapa at maayos na selebrasyon ng Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa panayam sa media, sinabi ni Sec. Abalos patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya partikular sa MMDA para sa inaasahang pagbigat ng trapiko ngayong Kapaskuhan at pagbabantay sa mga bus stations sa dagsa ng mga uuwi ng probinsya sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP).
Nakahanda na rin, ayon kay Abalos, ang Bureau of Fire (BFP) para naman sa “Bantay Paputok” para sa pagsalubong sa Bagong Taon habang hinihikayat ng Kalihim ang mga local government units na ipagbawal na ang paggamit ng paputok maliban sa pagsasagawa ng pyrotechnics sa isang common area.
Samantala, ibinida naman ni Abalos ang mga proyekto ng DILG para sa susunod na taon kabilang na rito ang paglalagay ng mga fire trucks sa bawat LGUs, decongestion ng mga kulungan sa tulong ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at ang patuloy na pagbaba ng mga focus crime. | ulat ni EJ Lazaro