DILG, namahagi ng pamaskong handog para sa mga dependent ng mga namayapang PNP, BFP, at BJMP personnel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ramdam na ramdam ng mga dependent ng mga yumaong personnel ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang simoy ng Kapaskuhan matapos matanggap nito ang samu’t saring Pamaskong handog mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa pangunguna ni DILG Sec. Atty. Benjamin “Benhur Abalos, kasama ang mga hepe ng PNP, BFP, at BJMP ay iniabot nito ang mga sari-saring noche buena items sa mga kapamilya ng mga itinuturing na bayani ng bayan.

Maliban dito nakatanggap din ng mga teddy bears ang mga batang kasama sa nasabing gift giving na dinaos sa Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo ng nasabing kaganapan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakalimutan ng pamahalaan kahit matagal ng yumao ang kanilang mga mahal sa buhay.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us