DILG Sec. Abalos, maglalaan ng P500k reward para sa makakapagbigay impormasyon sa pumaslang sa punong barangay sa Mangaldan, Pangasinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy ang isinasagawang masusing imbestigasyon ng Special Investigation Task Force Morillo na binubuo ng kapulisan upang mabilis na maresolba ang pagpatay sa isang kapitan sa Mangaldan, Pangasinan.

Kinilala ng kapulisan ang biktima na si Melinda “Tonet” Morillo, kasalukuyang Barangay Captain ng Barangay Poblacion, Mangaldan, Pangasinan.

Gabi ng ika-7 ng Disyembre nang pinagbabaril ang sasakyang minamaneho ni Morillo sa isang barangay sa Mangaldan. Ikinamatay ni Morillo ang apat na bala na tumama sa kanyang katawan.

Upang mapabilis ang imbestigasyon ay maglalaan ng pabuyang P500,000 si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na manggagaling sa personal nitong bulsa.

Personal na binisita ni Secretary Abalos Jr. ang unang gabi ng lamay ng pinaslang na kapitan upang magpaabot ng pakikiramay sa naulilang kamag-anak ng biktima.

Sinigurado rin ni Abalos na pinakikilos na ang kapulisan upang mabilis na maresolba ang pagkamatay ng biktima. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us