Distribusyon ng Pamaskong Handog para sa mga senior sa Valenzuela, umarangkada na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng Valenzuela local government ang taunang gift-giving tradition nito o ang pamamahagi ng Pamaskong Handog para sa mga senior citizen sa lungsod.

Ayon kay Mayor Wes Gatchalian, aabot sa
67,061 Valenzuelano senior citizens ang inaasahang makatatanggap ng Christmas package gift pack mula sa pamahalaang lungsod.

Sa unang araw ng distribusyon kahapon, nasa higit 12,000 seniors na agad ang nakatanggap ng kanilang gift packs na mula sa Barangay Wawang Pulo, Balangkas, Poblacion, Pulo, Pariancillo Villa, Palasan, Isla, Bisig, Mabolo, Tagalog, Arkong Bato, Coloong, Pasolo, Rincon, at Malinta.

Inaasahan namang mga susunod na araw ay mag-iikot ang mga kawani ng LGU sa 33 barangay sa lungsod para personal na ipamahagi ang Pamaskong Handog.

Paalala naman ng LGU na kailangan lamang dalhin ng mga benepisyaryo ang kanilang voucher at OSCA ID sa designated venue para matanggap ang regalo ng pamahalaang lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us