DMW OIC Cacdac, dumalaw sa pamilya ng nasawing OFW na si Paul Vincent Castelvi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumisita si Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac at personal na nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng overseas Filipino worker na nasawi na si Paul Vincent Castelvi sa San Fernando, Pampanga ngayong araw.

Si Castelvi ay isang caregiver at kabilang sa apat na Pilipino na namatay noong umatake ang militanteng grupong Hamas sa Southern Israel noong October 7.

Nagbigay din ng P50,000 tulong pinansyal si Cacdac sa pamilya ni Castelvi na mula sa DMW.

Matatandaang dumating sa Pilipinas noong Sabado ang maybahay ni Castelvi na si Jovelle Santiago dala ang urn ng kaniyang asawa.

Ngayong hapon naman ay dinala na sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija ang urn ni Castelvi na hometown ng kaniyang asawa at sa December 30 naman nakatakda ang libing. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us