Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Undersecretary Irineo Espino ang pamamahagi ng Pamaskong regalo sa mga sundalong pasyente ng Army General Hospital.
Ang gift-giving activity ay isinagawa sa Multi-Purpose Hall ng Army General Hospital sa Taguig kahapon.
Bahagi ito ng tradisyonal na aktibidad ng DND para bigyang pagkilala ang sakripisyo ng mga sundalong sugatan sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Kasama ni Usec Espino si Army Chief of Staff Major General Potenciano Camba, na kumatawan kay Army Commanding General Lieutenant General Roy Galido sa aktibidad.
Sila ay inasistehan ni AFP Inspector General, Lieutenant General Steve Crespillo at AGH Commanding Officer Colonel Aldrich Raymund Fernandez sa pamamahagi ng regalo. | ulat ni Leo Sarne
📸: Cpl. Rodgen Quirante PA/OACPA