DND Sec. Teodoro, nanawagan sa publiko na seryosohin ang earthquake drills

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa publiko na seryosohin and mga regular na isinasagawang earthquake drill, sa gitna ng dalawang magkasunod na malakas na pagyanig sa Mindanao.

Ang pahayag ay ginawa ni Teodoro sa Situation Briefing kahapon sa Camp Aguinaldo kaugnay ng 7.4 magnitude na lindol na tumama sa Hinantuan, Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi.

Isang buntis ang iniulat na nasawi at apat ang nasaktan; habang 529 na pamilya o 2,647 indibidwal ang naapektohan sa naturang pagyanig.

Ito’y ilang linggo lang matapos makaranas ng magnitude 6.8 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental.

Dito’y 11 naman ang iniulat na nasawi at 37 ang sugatan batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Una nang ipinag-utos noong nakaraang buwan ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, sa mga opisyal ng OCD na palakasin ang earthquake preparedness measures.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us