DND, siniguro sa publiko na walang dapat ipangamba kasunod ng pagsabog sa Marawi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na walang dapat ipangamba ang publiko kasunod ng nangyaring pagsabog kahapon sa Marawi City kung saan apat ang nasawi.

Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo kahapon sinabi ni Teodoro na kumikilos ang lahat ng ahensyang panseguridad para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Naka-alerto na aniya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Mindanao at maging sa Metro Manila.

Sinabi ni Teodoro na mismong ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang nag-atas sa mga kaukulang ahensya na agresibong resolbahin ang insidente at siguruhing hindi na maulit.

Kasabay nito, tiniyak ni Teodoro na tinututukan ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga pangangailan ng mga apektadong residente sa Marawi.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us