Nakatanggap ang Department of Energy (DOE) ng mga ulat na sinasabing nag-uutos sa mga newly hired employee ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na magbayad ng security deposit na P5,360 habang hinihintay ang paglalabas ng kanilang criminal liability clearances tulad ng NBI, Police at Barangay clearance.
Ipinapaalam ng DOE sa publiko, na ang aksyong ito ay pandaraya at walang awtoridad ang DOE sa mga empleyado ng NGCP o ng iba pang pribadong kumpanya.
Alinsunod dito, walang organisasyong pampubliko man o pribado ang pinahintulutan ng batas na manghingi ng pera mula sa sinumang kumukuha ng mga security clearance o iba pang related requirements.
Pinapayuhan ng DOE ang publiko, na iulat kaagad ang bagay o anumang tiwaling gawain sa pamamagitan ng DOE telephone no. (02) 8479-2900 o sa pamamagitan ng email sa [email protected].
Ang lahat ng mga taong magpapanggap na pinahintulutan o nauugnay sa DOE o alinman sa mga opisyal nito ay kakasuhan. | ulat ni AJ Ignacio