Muling Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na walang magiging problema sa supply ng kuryente sa bansa sa kabila ng posibleng pagtama ng El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon kay Department of Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, patuloy ang kanilang monitoring sa kalagayan ng power industry sector at wala naman silang nakikitang kakapusan ng supply ng kuryente sa susunod na taon.
Kaugnay nito, base sa kanilang isinagawang forecast monitoring ay nasa 550 hangang 600 megawatts ang kakailanganing supply ng kuryente sa unang quarter ng 2024.
Dagdag pa ng DOE na may mga planta na inaasahang magbubukas sa susunod na taon kung saan makapagbibigay ng karagdagang 500 megawatts sa bansa.
Sa huli muli namang panawagan ng DOE sa publiko na magtipid sa kuryente upang mapanatili ang sapat na supply ng kuyernte sa buong bansa. | ulat ni AJ Ignacio