Pinagtibay ni Finance Secretary Benjamin Diokno na aktibong itinaguyod ng Department of Finance (DOF) ang paggamit ng gender-responsive nature-based solution upang masolusyunan ang climate finance gap.
Sa isang high level panel discussion sa 2023 United Nations Climate Change Conference (COP28) sa Dubai sinabi ni Diokno na aktibo ang DOF sa pagsuporta para i-mainstream ang gender initiative sa paggamit ng climate adaptation and mitigation program.
Katuwang ng Pilipinas ang United Nations Development Programme (UNDP) at sa suporta ng gobiyerno ng Canada sa pagtugon ng bansa para sa pangangailangang innovative financial policy initiative.
Binanggit din ni Diokno ang tatlong pangunahing element ng gender-responsive climate action.
Ito ay ang pagtukoy na ang bawat kababaihan at kalalakihan ay may magkakaibang pangangailangan at oportunidad sa climate action.
Pagtiyak ng pakikibahagi ng mga lalake at babae sa climate related decision making.| ulat ni Melany V. Forbes