DOF, hiniling kay Pangulong Marcos Jr. na i-certify as urgent ang 3 revenue measures

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang magtuloy-tuloy ang economic growth momentum, tatlong panukalang batas ang itinutulak ng Department of Finance (DOF) na maipapasa bago matapos ang taon.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, makakatulong ang tatlong revenue bills na makalikom ng P32 billion.

Sinabi ni Diokno, na hiniling nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-certify as urgent ang Package ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP), Value Added Tax on Digital Service Providers, at Excise Tax on Single-Use Plastic Bags.

Ang naturang mga hakbang ay kasalukuyang nasa Senate Ways and Means.  

Kapag tuluyan nang maging batas ngayong buwan, makakatulong itong mapondohan ang P5.768-trillion 2024 General Appropriations Act (GAA), at makamit ang 5.1 percent deficit-to-gross domestic product (GDP) target sa susunod na taon. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us