Pinuri ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa kanilang mahusay na trabaho na palawakin ang capital market ng bansa at gawin itong “broadbased” sa pamamagitan ng digitalization.
Ginawa ni Diokno ang pahayag matapos paigtingin ng SEC ang kanilang capital market promotion upang makakuha ng pondo para sa mga maliliit na negosyo sa bansa.
Sa pamamagitan ng mga roadshow na kanilang isinagawa sa buong taon para sa capital market nakalikom ng 427 million pesos ang may 146 na kumpanya sa pamamagitan ng crowdfunding.
Ang crowdfunding initiatives ay isang istratehiya ng fundraising mula sa malaking bilang ng investors na tulungan ang mga start-ups at MSMEs.
Ayon kay SEC Chairperson Emilio Aquino, binuksan ng SEC ang oportunidad sa mga small business sa pamamagitan ng crowdfunding – it ay ang access nila sa capital at financial guidance.| ulat ni Melany V. Reyes