Masayang ibinalita ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umabot sa mahigit 3.5 million na trabaho ang naibigay sa mga Pilipino sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan sa ating mga Disadvantage (TUPAD) Workers program ngayong 2023.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, malaki ang bilang na ito kung ikukumpara sa nagdaang taon.
Pero aminado si Laguesma na pansamantalang trabaho lamang ang hatid ng TUPAD program at hindi isang pangmatagalang hanapbuhay.
Kaya naman, may iba pang mga estratehiya na ginagawa ang ahensya para makapagbigay ng permanenteng trabaho sa mga Pilipino.
Asahan na daw sa susunod na taon, maraming mga magbubukas na trabaho sa mga Pilipino dahil nagbubunga na ang mga nakuhang investment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang mga naging biyahe sa iba’t ibang bansa sa mundo.
Sa January 2024, maraming mga kumpanya ang magbubukas ng trabaho tulad ng energy sector, information and technology sector, manufacturing, agriculture at industrial sector.
May mga hakbang na rin daw na ginagawa ang DOLE para makalikha ng trabaho sa mga maaapektuhan ng Artificial Intelligence o AI. | ulat ni Michael Rogas