Nag-install ang Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST PHIVOLCS) ng Zamboanga Sea Level Monitoring Station (SLMS) sa Philippine Ports Authority (PPA) sa lungsod ng Zamboanga kamakailan.
Ang SLMS ay nakadisenyo upang obserbahan ang sea levels, makapagbigay ng real-time na datos na kinakailangan para maka-detect at makabigay ng maagang babala para sa potensyal na banta ng tsunami sa rehiyon.
Iniimbitahan ng DOST PHIVOLCS ang publiko na bisitahin ang opisyal na website ng TEWS sa TEWS.DOST.GOV.PH upang makakuha ng insight sa kung papaano gumagana ang Tsunami Early Warning System sa pamamagitan ng datos na nakakalap ng Zamboanga SLMS.
Sa pamamaraang ito ay magkakaroon ng malawakang pag-unawa ang publiko sa mahalagang papel na ginagampanan ng SLMS para pagtibayin ang katatagan ng Zamboanga laban potensyal na banta ng tsunami.| ulat ni Justin Bulanon| RP1 Zamboanga