DOT-11, naka-accredit ng 457 na bagong tourism enterprises sa Davao Region ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 457 na mga bagong Tourism Enterprises sa Davao Region ang na-accredit ng Department of Tourism-11 (DOT-11) ngayong taon.

Ito ang inihayag ni DOT-11 Regional Director Tanya Rabat-Tan sa isinagawang 2023 Davao Tourism Industry Gathering.

Ayon kay Rabat-Tan, ang nasabing bilang mataas ng 74 percent as of November 30 mula sa tala nitong nakaraang taon.

Paliwanag ng opisyal na nakamit nila ang nasabing bilang dahil sapinalakas na kampanya gaya na lang ng Philippine Experience, Business Missions at pagpunta sa expos abroad.

Dahil dito, mas palalakasin pa ng DOT-11 ang kanilang business missions at iba pang mga programa para mas dadagsain pa ng mga turista ang Davao Region.| ulat ni Armando Fenequito| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us