GDP ng bansa, dapat madoble pagdating ng taong 2028 ayon kay Senador Chiz Escudero

Pinaalalahanan ni Senador Chiz Escudero ang pamahalaan na pag-aralan ang lahat ng mga posibilidad para mapataas ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas. Kasunod ng ratipikasyon ng 2024 General Appropriations Bill (GAB) sa Senado. Pinahayag ni Escudero na kung nais ng bansa na mapanatili ang 60 percent debt-to-GDP ratio ay dapat madoble ang GDP ng… Continue reading GDP ng bansa, dapat madoble pagdating ng taong 2028 ayon kay Senador Chiz Escudero

China, dapat sumunod sa international law ayon kay Sen. Villanueva; Sen. Bato, isinusulong na armasan rin ng malakas na water cannon ang PCG vessels

Giniit ni Senate Majority leader Joel Villanueva na dapat sumunod ang China sa mga international law sa ilalim ng UNCLOS at dapat na nitong itigil ang ileagal na pagpasok sa mga exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Ayon kay Villanueva, kahit gaano pa karaming armas o kalaki ang mga barkong iharang ng China, hindi magbabago… Continue reading China, dapat sumunod sa international law ayon kay Sen. Villanueva; Sen. Bato, isinusulong na armasan rin ng malakas na water cannon ang PCG vessels

Agricultural Economic Sabotage Bill, aprubado na sa Senado

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang magpapalakas ng batas ng Pilipinas kontra agricultural smuggling. Sa botong 18 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag-abstain ay aprubado na sa mataas na kapulungan ang senate bill 2432 o ang panukalang batas na magre-repeal sa Republic Act 10845 o ang Anti-agricultural… Continue reading Agricultural Economic Sabotage Bill, aprubado na sa Senado

Pagpapatayo ng dagdag na istruktura sa WPS, kasama sa pinondohan sa panukalang 2024 budget

Suportado ng Kamara ang pagtatatag ng mga istruktura sa West Philippine Sea (WPS) upang mapalakas ang presensya ng bansa sa naturang katubigan. Ayon kay House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co, magkakaroon ng dagdag na istruktura sa WPS bilang tugon na rin sa aggression ng China sa Pilipinas. Aniya nagkaroon ng dagdag na pondo ang… Continue reading Pagpapatayo ng dagdag na istruktura sa WPS, kasama sa pinondohan sa panukalang 2024 budget

Mga OFW na naipit sa gulo sa Israel na nakauwi sa Pilipinas, masayang makakapiling ang kanilang pamilya ngayong Pasko

Masaya ang mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Israel na nakauwi sila sa Pilipinas at makakapilipiling ang kanilang pamilya ngayong Pasko. Kabilang dito si Ronnie Compay Basco, isang caregiver, sa 27 na mga OFW na dumating sa Pilipinas mula sa Israel ngayong araw. Ayon kay Basco, huli siyang nakauwi sa bansa noong 2008 kaya… Continue reading Mga OFW na naipit sa gulo sa Israel na nakauwi sa Pilipinas, masayang makakapiling ang kanilang pamilya ngayong Pasko

San Juan LGU, magsisimula ng mamahagi nang Pamaskong Handog para sa kanilang mga residente

Aarangkada na bukas ang pamamahagi ng Pamaskong Handong ng Pamahalaan Lungsod ng San Juan para sa kanilang mga residente. Ang nasabing ‘Pamaskong Handog’ ay Christmas gift ng lokal na pamahalaan para sa mga residente ng lungsod upang maipadama ang diwa ng Pasko. Ito ay naglalaman ng bigas, noodles, spaghetti sauce, at iba’t ibang delata. Ayon… Continue reading San Juan LGU, magsisimula ng mamahagi nang Pamaskong Handog para sa kanilang mga residente

Resolusyon na humihimok sa NTC na suspindihin ang operasyon ng SMNI, pinagtibay ng Kamara

Aprubado na ng Kamara ng House Resolution 1499 o resolusyon na humihimok sa National Telecommunications Commission na suspindihin muna ang operasyon ng SMNI habang iniimbestigahan ang mga paglabag nito sa franchise agreement. Ayon kay PBA party-list Rep. Margarita Nograles, nasa labing apat na paglabag ang kaniyang natukoy. Ilan sa mga ito ang pagpapakalat ng maling… Continue reading Resolusyon na humihimok sa NTC na suspindihin ang operasyon ng SMNI, pinagtibay ng Kamara

Rep. Erwin Tulfo, iminungkahi na ideploy ang defense asset ng Pilipinas sa West Philippine Sea

Nais ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo na i-deploy sa West Philippine Sea ang mga asset ng Pilipinas gaya ng fighter jets at navy ships para mag-patrolya doon. Bunsod pa rin ito ng insidente ng pambobomba ng water canon ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Philippine Coast Guard, BFAT… Continue reading Rep. Erwin Tulfo, iminungkahi na ideploy ang defense asset ng Pilipinas sa West Philippine Sea

Ilang kalsada sa Camanava, isasara sa mga motorista para sa idadaos na MMFF 2023 Parade of Stars – MMDA

Abiso sa mga motorista. Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela sa Sabado, December 16. Ito ay upang bigyang daan ang idadaos na “Parade of Stars” para sa 49th Metro Manila Film Festival na dadaan sa apat na lungsod. Ayon sa MMDA, magpapatupad… Continue reading Ilang kalsada sa Camanava, isasara sa mga motorista para sa idadaos na MMFF 2023 Parade of Stars – MMDA

Ika-11 batch ng mga OFW na naipit sa gulo sa Israel, dumating na sa Pilipinas

Pasado alas-3:00 ng hapon lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang Ethidad Airways Flight EY 424. Lulan nito ang 27 na mga overseas Filipino worker na lumikas sa Israel sa gitna ng nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Israel Defense Forces at grupong Hamas. Sa bilang na ito, 25 ang caregivers at dalawa… Continue reading Ika-11 batch ng mga OFW na naipit sa gulo sa Israel, dumating na sa Pilipinas