Operasyon ng EDSA Busway, mananatiling bukas ngayong Semana Santa

Mananatiling bukas 24/7 ang operasyon ng EDSA Busway sa panahon ng Semana Santa 2024. Ito ay ayon sa Department of Transportation (DOTr) upang paghandaan ang inaasahang dagsa ng mga bibiyahe na uuwi sa mga probinsya. Ayon sa DOTr, ang mga pick-up at drop-off points ng EDSA Busway at mga kaagapay na istasyon ng MRT-3 ay… Continue reading Operasyon ng EDSA Busway, mananatiling bukas ngayong Semana Santa

DOTr, paiigtingin ang kampanya laban sa travel scams ngayong Semana Santa 2024

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na paiigtingin nito ang kanilang kampanya laban sa mga travel scam sa pamamagitan ng malawakang information dissemation drive sa iba’t ibang transport hubs sa buong bansa. Ito ay alinsunod sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024 ng ahensya at upang makaiwas ang mga pasahero sa mga travel at vacation… Continue reading DOTr, paiigtingin ang kampanya laban sa travel scams ngayong Semana Santa 2024

DOTr, LRTA, at Robinsons Land Corporation, lumagda sa kasunduan para mapabuti ang transportation connectivity

Lumagda sa Memorandum of Agreement ang Department of Transportation (DOTr), Light Rail Transit Authority (LRTA), at Robinsons Land Corporation upang mapabuti ang transportation connectivity sa mga pasahero ng LRT-2. Ang nilagdaang kasunduan ay magbibigay daan sa mas maginhawang pagbiyahe ng mga pasahero ng LRT-2 sa Marikina Pasig Station na dumadaan sa interconnection link ng nasabing… Continue reading DOTr, LRTA, at Robinsons Land Corporation, lumagda sa kasunduan para mapabuti ang transportation connectivity

Mas malawak na bike lanes sa Metro Cebu, pinasinayaan ng DOTr

Pinasinayaan ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways, at Lokal na Pamahalaan ng Cebu ang mas malawak at upgraded na bike lanes at end-of-trip cycling facilities sa Metro Cebu ngayong araw. Sa mensahe ni Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure James Andres Melad, binigyang diin nito ang target ng DOTr… Continue reading Mas malawak na bike lanes sa Metro Cebu, pinasinayaan ng DOTr

UNDP at DOTr, naglunsad ng solar-powered electric vehicle charging station sa Pasig City

Inilunsad ng United Nations Development Programme (UNDP) at Department of Transportation (DOTr) ang solar-powered electric vehicle charging station sa Pasig City. Ito ay bahagi ng hakbang na maisulong ang Low Carbon Transport Systems sa Pilipinas na proyekto ng dalawang institusyon. Isinagawa ang aktibidad sa Pasig Kabuhayan Center na dinaluhan ng ilang kinatawan ng UNDP at… Continue reading UNDP at DOTr, naglunsad ng solar-powered electric vehicle charging station sa Pasig City

DOTr, umaasang mapabibilis ang pagkumpleto sa mga transport project sa bansa sa tulong ng JICA

Nakipagpulong ang Department of Transportation (DOTr) sa Japan International Cooperation Agency (JICA) para mas mapabilis ang pagkumpleto sa mga transport project sa Pilipinas. Sa naturang pulong, inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na umaasa siyang mababago ang timeline at mas mapapaaga ang pagtatapos ng mga proyekto partikular na ang Metro Manila Subway Project at North-South… Continue reading DOTr, umaasang mapabibilis ang pagkumpleto sa mga transport project sa bansa sa tulong ng JICA

DOTr, kumpiyansa na mapabilis ang pagkumpleto sa mga railway project ng Pilipinas sa tulong ng gobyerno ng Japan

Kumpiyansa ang Department of Transportation (DOTr) na matatapos kaagad ang mga malalaking proyekto sa railway sector ng Pilipinas gaya ng Metro Manila Subway Project at North-South Commuter Railway System. Ito ay sa patuloy na pakikipagtulungan ng DOTr sa gobyerno ng Japan partikular na ang Japan International Cooperation Agency (JICA). Sa ginanap na bilateral meeting sa… Continue reading DOTr, kumpiyansa na mapabilis ang pagkumpleto sa mga railway project ng Pilipinas sa tulong ng gobyerno ng Japan

DOTr, iniimbestigahan na ang mga alegasyon ng korapsyon laban sa LTO Chief

Iniimbestigahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga alegasyon na korapsyon ng transport at civilian group laban kay Land Transportation Office Chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II. Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang mga akusasyon ay inihayag sa pamamagitan ng open letter mula sa Federated Land Transport Organizations of… Continue reading DOTr, iniimbestigahan na ang mga alegasyon ng korapsyon laban sa LTO Chief

DOTr, nangako na tutulungan ang mga drivers ng mga unconsolidated PUVs na makahanap ng trabaho

Ipinangako ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) ng Department of Transportation (DOTr) na susuportahan nito ang mga Public Utility Vehicle driver na hindi nakapag-consolidate na makahanap ng trabaho sa loob ng mga nabuong kooperatiba o korporasyon. Ayon kay OTC Chairman Andy Ortega, iginiit nito ang pagtutok ng pamahalaan sa mga driver na apektado na makapag-trasition… Continue reading DOTr, nangako na tutulungan ang mga drivers ng mga unconsolidated PUVs na makahanap ng trabaho

Pagpapatayo ng dagdag na istruktura sa WPS, kasama sa pinondohan sa panukalang 2024 budget

Suportado ng Kamara ang pagtatatag ng mga istruktura sa West Philippine Sea (WPS) upang mapalakas ang presensya ng bansa sa naturang katubigan. Ayon kay House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co, magkakaroon ng dagdag na istruktura sa WPS bilang tugon na rin sa aggression ng China sa Pilipinas. Aniya nagkaroon ng dagdag na pondo ang… Continue reading Pagpapatayo ng dagdag na istruktura sa WPS, kasama sa pinondohan sa panukalang 2024 budget