Patuloy na palalakasin ng Department of Tourism ang komportableng tourism experience at mas makapanghikayat pa ng mas maraming dayuhang turista sa bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga national government agencies tulad ng Department of Foreign Affairs ay Bureau of Immigration sa pagpapabilis ng proseso ng visa sa mga foreign tourist.
Isa na nga dito ang pagpaparami ng Tourist Rest Area at ang pagpapalakas ng internet connectivity sa bawat tourism sites sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio