Upang mas marami pang makahabol sa deadline ng consolidation ng Public Utility Vehicles (PUVs), bubuksan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga tangapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Office of Transportation Cooperative hanggang Sabado at Linggo.
Ayon kay Transportation Undersecretary Timothy Batan, layon ng kanilang pagbubukas ng kanilang mga tanggapan over the weekend ay upang mas marami pang mga makahabol sa PUV Modernization Program.
Dagdag pa ni Batan na mas pinadali na lamang ang pagsusumite ng aplikasyon sa consolidation. | ulat ni AJ Ignacio