Ipinaalala ng Department of Transportation (DOTr) Maritime Sector sa mga pasahero lalo na sa mga maglalakbay ngayong holiday season ang kanilang karapatan kung sakaling makansela o maantala ang mga byahe ng mga ito.
Ito’y alinsunod sa layunin ng DOTr sa Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2023 na siguruhing magaan ang karanasan ng lahat ng manlalakbyay ngayong holidays panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Bilang bahagi ng inisyatibang ito, ipinaalala sa mga pasahero ang kanilang mga karapatan na nakasaad sa MARINA Circular 2018-07.
Dito binigyang diin ng DOTr na sa mga kaso ng kanseladong o naantala na biyahe, may karapatan ang mga pasahero sa impormasyon, refund, o revalidation ng kanilang mga ticket.
Ang pagpili ng revalidation ay nagbibigay-daan sa mga pasahero na makakuha ng mga amenities at libreng accommodation kung kinakailangan habang naghihintay sa kanilang rescheduled na biyahe.
Ang right to compensation naman ay available kung hindi praktikal ang libreng accommodation para sa shipping operator.
Habang mga pasahero naman na hindi natapos na biyahe o uncompleted voyage ay may right to information, amenities, kompensasyon, at transportasyon patungo sa kanilang destinasyon.
Nauna nang sinabi ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na papalo sa 5.2 milyong mga pasahero ang dadagsa sa mga port ngayong Christmas break. | ulat ni EJ Lazaro