Muling nagpapaalala sa mga komyuter ang Department of Transportation (DOTr) na hindi nito pinapayagan ang anumang uri ng kabastusan at karahasan sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
Kaya patuloy din ang pag-uudyok ng ahensya sa mga pasahero na i-report o isumbong ang ganitong mga gawain sa pinakamalapit na awtoridad sa mga istasyon, terminal, o mga kapulisan sa lugar.
Ito ay alinsunod sa “Safe Spaces Act,” na layong mapanatili ang kaligtasan ng mga pasahero laban sa karahan at mailayo ang mga komyuter laban sa mapagsamantalang gawain at kaisipan sa loob ng pampublikong transportasyon.
Ang paalala rin na ito ng DOTr ay pakikiisa na rin ng kagawaran sa pamumuno ni Secretary Jaime Bautista sa kampanyang “Oplan Tuldukan ang Karahasan” at Violence Against Women (VAW) katuwang rin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). | ulat ni EJ Lazaro