DOTr, nanindigang tuloy ang PUV modernization

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) na tuloy ang PUV modernization program sa kabila ng pagtatangka ng ilang mga grupong tutol dito na harangin ang pagpapatupad ng programa sa korte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ito rin ang dahilan kaya’t hindi na magbabago ang kanilang pasya na mananatili ang itinakdang deadline para sa franchise consolidation para sa mga pampublikong sasakyan sa Linggo, Disyembre 31.

Ayon kay Bautista, ang 70 porsiyento aniya ng mga nasa sektor ng transportasyon na tumalima sa franchise consolidation ay patunay lamang na mas marami ang sumusuporta sa pagmodernisa sa kanilang hanay.

Muli namang tiniyak ni Bautista na nakasalig ang PUV modernization sa layuning bigyan ng ligtas, malinis at maginhawang biyahe ang mga Pilipino.

Una rito, muling nagkasa ng malakihang kilos protesta ang mga grupong PISTON at MANIBELA upang ihayag ang pagkadismaya matapos na hindi maglabas ng TRO ang korte para harangin ang PUV modernization program. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us