DOTr Sec. Bautista, naging maganda ang assessment sa inspeksyon sa NAIA terminal 3

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging maganda ang asessment ni Transportation Secretary Bautista sa sitwasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 kaninang umaga.

Inikot ng Kalihim ang lahat ng pasilad mula sa check in counter, scanning ng mga bagahe hangang sa boarding area.

Aniya, maayos ang isinagawang paghahanda ng Manila International Airport Authority (MIAA), partikular sa NAIA terminal 3. 

Samantala inaasahan namang aabot sa 143,000 na mga pasahero ang tutungo sa mga paliparan sa Metro Manila kanina umaga.

Nakatakda namang tumungo ang kalihim sa PITX ngayong tanghali para mag-ikot at mag inspeksyon sa bus terminal. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us