Kumbinsido ang Department of Justice na kailangan ng rebyuhin ang kasalukuyang Dangerous Drug Act na siyang isa sa dahilan kung bakit masikip ang mga kulungan sa bansa.
Ito ang nakikitang isa sa mga rason ng DOJ para solusyunan ang jail decongestion na naging dahilan ng dalawang araw na summit.
Ayon kay Justice Undersecretary Jessie Andres, posibleng magsagawa ang DOJ sa susunod na taon ng drug summit para pag-usapan ang pagrebyu sa Dangerous Drug Act.
Sa Drug Summit, posibleng talakayin ng Justice Sector Coordinating Council ang paghingi sa Kongreso na rebyuhin ang batas patungkol sa iligal na droga.
Sa record ng DOJ, nasa mahigit 70,000 na mga akusado ang naaresto ng PNP sa nakalipas na dalawang taon.
Karamihan daw sa mga ito ay nakabinbin pa sa korte ang mga kaso at napakabagal ng usad sa korte. | ulat ni Michael Rogas