Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tulungan ang mga jeepney driver na maaapektuhan ng deadline ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Ang PUVMP ay may layuning palitan ang lumang PUVs kabilang ang jeepneys ng mga modernong sasakyan simula sa January 2024.
Ayon kay DSWD Program Management Bureau (PMB) Director Miramel Laxa, ang mga driver na mahaharap sa krisis pagsapit ng ganap na implementasyon ay awtomatikong kuwalipakado sa mga programa at serbisyo ng ahensya.
Sabi ni Laxa, pasok ang mga affected PUV driver sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Ang AICS ay ilan lang sa mga programa ng DSWD na nagkakaloob ng food at cash aid sa mga lubhang naghihirap na indibidwal o pamilya.
Ikinukonsidera ngayon ng DSWD na mairekomenda ang mga maaapektuhan na hanapan ng livelihood programs at grants na maiaalok ng ibang government agencies. | ulat Rey Ferrer